Shuvee Etrata, Anthony Constantino nagpakilig sa music video ng ‘Marupok’
PHOTO: Screengrab from Instagram/@shuveeetrata

PARANG teleserye na may halong rom-com vibes ang peg ng bagong music video ni Jenzen Guino para sa single niyang “Marupok.” 

Ang bida kasi riyan ay sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino.

Sa umpisa pa lang ng MV, pinakilig na agad ng dalawa ang viewers nang magkunwari silang nasa isang commercial tapos sabay sabing, “Hindi kami marupok.” 

Pero ayun na nga, after that line, nagkatitigan sila na parang may spark agad tapos dire-diretso na ang kilig scenes.

Baka Bet Mo: Shuvee Etrata sa pag-ship sa kanila ni Ralph de Leon: We know our boundaries

Sunod-sunod ang mga eksenang parang college romance sa pamamagitan ng palitan nila ng sweet text messages, pangungulit, at syempre yung mga moments na tipong ang konting ngiti lang ay sapat na para matunaw ka.

Pero teka, may plot twist! Kahit super blooming ng kanilang relasyon, medyo may uncertainty din kasi natapos ang video na nag-iisa si Anthony at siya na lang ang nagsabi ng linyang: “Kaya hindi ako marupok.” 



Ayon mismo kay Jenzen, ang “Marupok” ay tungkol sa kilig at saya ng pagmamahal.

“Ito ay tungkol sa paggawa ng lahat para sa taong mahal mo, kahit minsan sa mga sitwasyon na may tampo ka dun sa taong mahal mo, konting lambing lang at ngiti sayo, okay na,” sey niya.

Aniya pa, “Gusto ko iparamdam sa lahat ng tao ‘yung saya at ‘yung sarap kapag nagmamahal. At okay lang maging marupok basta sa tamang tao.”

Ang naturang kanta ay lumabas noong August 15, habang ang MV naman ay inilabas makalipas ang pitong araw.

Si Jenzen ay nagsimula bilang cover artist noong 2018 pero noong nakaraang taon lang siya nag-releasenng sariling awitin na “Rosas” at ngayon, mukhang marami pa siyang nakatago sa kanyang “song vault.”

At eto pa ang dagdag kilig factor: nitong buwan lang, kumpirmado na nililigawan nga ni Anthony si Shuvee. 



Your subscription could not be saved. Please try again.



Your subscription has been successful.

At si Shuvee naman, inamin na gusto niya ang slow-burn style ng panliligaw ng binata.